Martes, Disyembre 20, 2011

Kapitalismong Pilipinas

Ano nga ba ang salitang kapitalismo?
Ang Pilipinas ba ay kasapi sa kapitalistang bansa?
Isa ka bang kapitalista?
Kapitalismo isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa malayang kalakalan at pagbukas ng komunikasyon. Mga pagpapatunay na ang ating ekonomiya ay kapitalismo, isa na ang bukas at malayang kumunikasyon sa kalagayan ng pangangalakal sa ibang karatig bansa. Kaya marahil sa ating bansang Pilipinas karamihan sa nag mamay-ari ng malalaking negosyo ay mamumuhunang taga-ibang bansa, mapa Tsinoy,  Amerikano atbp. Kung magkaroon man nang isang Juan de la Cruz na kapitalismo na ubod ng tanyag sa negosyo ay di pa rin maikukumpara sa dami ng lahi ng ibang nasyon na namumuhunan sa ating bansa. Karamihan sa mga Pinoy ay pumapasok na lamang sa mga negosyo ng mga ito at kumikita nang tama lang upang makaraos sa pang-araw-araw at kung kapusin ay mangungutang pa. Nakakalungkot isipin na tayong  mga Pinoy ay nagigi na lamang tauhan ng ibang lahing mamumuhunan. Pagkatapos ng araw ay sila lamang ang nagtatamasa ng kabuuang kita na pinagtrabahuhan ng mga namamasukang Pinoy, sabagay meron ren namang sahod ang Pinoy ang kaso sumasapat lamang mas madalas pa ang magkulang. Kaya kung ating papansinin hindi maiitatangi na mas marami ang naghihirap sa ating bansa kesa sa mga nakakariwasa. Marami akong nakikitang mga kadahilanan una na rito ay di pantay na distribusyon ng yaman para sa mga tao sa ating bansa, pangalawa ang patuloy na pagdami nang mga pamilya sa ating bansa na minarapat na lamang mamasukan upang sumweldo at makuntento, kadalasan pa nga mas marami ang walang trabaho kaya naituturing pa ang mga sariling maswerte dahil sa trabaho, pangatlo ay di pagpupursigi nang marami sa ating mga Pinoy na pasukin ang pamumuhunan, pang-apat ay pagtangkilik nang marami sa atin sa prudokto ng ibang lahi at pagbalewala sa produktong yari sa atin, pang-lima ay ang di pag-agapay nang ating Gobyerno para maagapan ang suliraning ito habang may oras pa. Sa aking tingin ay mas dadami at lalala pa ang problema sa kahirapan hanggat di natin binibigyang pansin ang ugat nito. 
Para sa karagdagang kaalaman, Kapitalismo ay nag-ugat sa salitang kapital na may kasing-kahulugan na puhunan. Pag tinawag ang isang bansa na kapitalismo ay maituturing itong mamumuhunang bansa. Malamang ang Pilipinas ay isang maituturing na kapitalistang bansa sapagkat maraming tao ang namumuhunan sa atin para kumita ng pera. Sa katanungang isa ka bang kapitalista, kapitalista ka marahil dahil  nasa bansa tayong kinabibilangan nito samahan pa ng pamumuhunan upang kumita ng pera ay maituturing kang ganap na kapitalista.

5 komento:

  1. Ano ang naging epekto ng paggamit ng kapitalismo sa bansang Pilipinas?

    TumugonBurahin
  2. very informative and well searched article.THANKS Sakit.info

    TumugonBurahin
  3. Hijo, ako ay namamangha sa iyong inigawang web page. Subalit ang pang likod na imahe dito sa iyong ginawa ay hindi bagay. Gayunpaman, nakatulong ang impormasyong ito, salamat!

    TumugonBurahin
  4. Best online casino site, bonuses, codes and promotions | Lucky Club
    How to start using a casino site: Casino website. The 카지노사이트luckclub internet was used to serve you the best gambling experience possible. However,

    TumugonBurahin